Dalawang buong taon..

Ewan ko ba. Minsan parang gusto ko na lang magtagalog lalo na sa mga ganitong panahon na ang dami dami kong kailangang gawin. Para ganito lang, chill chill, sulat lang ng sulat, di na kailangan mag- isip masyado. Ang kinaganda nun, mas magkakaroon pa ako ng oras para maisip yung mga di dapat isipin. Kesa naman kasi kung mag English pa ko, imbis maisip ko ang mga di dapat isipin, ang gagawin ko ay iisipin lang ng iisipin ang mga dapat isipin tulad ng correct grammar at spelling.

Sa apat na buwan na pamumuhay ko dito, wala pa naman akong nararanasang nakakapagpang-guho ng mundo para gustuhin kong bumalik na ng pinas. Sa totoo lang walang wala sa isip ko ngayon yung mga bakasyon at pag- uwi. Ayoko muna bumalik dun. Hinding hindi ko makakalimutan yung karanasan ko nun. Dalawang taon akong tambay, walang aral, walang barkada at walang baon. Naalala ko pa, araw- araw pakiramdam ko mas napag- iiwanan ako ng panahon at ng kaalaman. For short, nagiging bobo ako =))) Ops. (Don’t say bad words.. ) Kaya kahit yung kaunting kaisipan lang na uuwi na ko ng pinas, natatakot na talaga ako e. Pakiramdam ko nung nandun pa ko ay wala akong mararating kung di ako makakaalis dun. Kung yung iba, natatakot pumuntang ibang bansa, ako natatakot ako nun na baka di matuloy. Kung sakali man na di talaga natuloy, di ko na alam kung ano ng gagawin ko sa sarili ko nun. Di nyo ko masisisi kung sa tingin ko wala akong patutunguhan kung magsstay ako sa pinas. Isipin mo yun, dalawang buong taon akong wala sa eskwelahan. Grumaduate na yung mga ka- batch ko at naglaho na yung pangarap ko nuon na maging isa sa mga batang slash hindi gurang na doctor. (Don’t say bad words.. Hahaha! Hindi ako sigurado kung bad word ba ang gurang, basta wag na natin gamitin ulit =))) parang may ibang meaning kasi eh.) Bangungot para saken yung dalawang taon na yun. Kahit na sabihin pa natin na dun sa 2 taon na yun ako mas nagimprove sa music, bangungot pa rin. Kaya ang pang araw araw ko ngayon dito, langit. If it exist… hahaha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s